Senador pabor na gawing anim na taon ang termino ng barangay at SK officials

Pabor si Senator Imee Marcos na i-extend ang term of office ng mga barangay officials at Sangguniang Kabataan members mula sa tatlong taon sa anim na taon.

Ayon din kay Marcos, na chairman ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation, na mas prefer din siyang ipagpaliban ang December 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa May 2023 o isang taon matapos ang national elections.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Paliwanag ng senadora, na napapansin umano niyang kada eleksyon na lang, ipinagpapaliban itong barangay at SK election, kaya napapaisip tuloy umano siya na talagang may problema sa termino ng mga barangay officials o masyadong maikli ang tatlong taon.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Una nito, noong Agusto, naghain si Marcos ng Senate Bill 1195 para amyendahan ang Republic Act No. 7160 o ang The Local Government Code Of 1991, at iginigiit niya dito na kailangang palawigin ang termino ng barangay at SK officials sa anim na taon, para matiyak ang continuity at stability ng kanilang mga plano at programa.