Hinimok ni Senador Bong Go ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na taasan ang kanilang coverage para sa outpatient hemodialysis sa maximum na 156 sessions.
Ito ay kasunod ng pag-adopt sa special provision sa ilalim ng Philhealth budget, kung saan ang paggamit ng P21 billion budget ay benefit package mula sa Universal Health Care Act.
Kasama rito ang pagpapalawak ng free dialysis coverage, mental health outpatient coverag, at ang implementasyon ng comprehensive outpatient benefit package.
Ayon kay Go, maraming lumalapit sa kanilang ospisina para sa dialysis.
Ito, aniya, ang dahilan kung bakit niya isinulong ang Senate Bill No. 190 na nagbibigay ng mandato sa Philhealth na i-cover ang lahat ng magagastos sa dialysis treatments.
Dagdag pa ng mambabatas, kung mapatutupad na ito ng ahensya ngayon at sa susunod na taon, mas mabuti.
Sa huli, sinabi ni Go na ipagpapatuloy niya ang pagsusulong sa mga batas na people-centered at service-oriented, kasabay ang pagsiguro sa hindi natatapos na serbisyo sa mga nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno.
