Nangako ang isang Senador na makakatanggap ng funding support ang Department of Education para sa mga learners with disabilities sa ilalim ng 2023 national budget sa kabila ng kakulangan ng pondo ng nabanggit na ahensiya.
Nauna nang inamin ng DepEd na wala itong pondo para sa special education program sa ilalim ng panukalang pambansang budget.
Sa isang pahayag sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian, na namumuno sa Senate Committee on Basic Education, ilang proposals ang ginawa sa bicameral conference committee report sa 2023 national budget.
Isang panukala ang magdagdag ng P64 million sa P96 million budget ng DepEd para sa conversion ng Special Education centers sa Inclusive Learning Resource Centers for Learners with Disabilities.
Nanindigan ang senador na ang kabuuang halaga na P160 million sa ilalim ng capital outlay ng DepEd ay magbibigay-daan sa bawat rehiyon na gawing modelong ILRC ang SPED center.
Sa bicam report, ipinanukala rin ni Gatchalian na maglaan ng P100 million para s ainstructional materials para sa mga mag-aaral na may kapansanan.
