Kaso ng chikungunya sa bansa, tumaas ayon sa DOH

Tumaas ang kaso ng chikungunya sa bansa ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire , patuloy nilang binabantayan ang mga kaso ng viral disease sa bansa.

Pero sinabi ng health official na kailangan maintindihan ng publiko na nitong nakaraang taon , ang surveillance system ng DOH ay naka focus sa COVID-19 na nakikita nilang factor kaya mas mababa ang naitalang kaso noong nakaraang taon.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ang chikungunya ay sanhi ng kagat ng lamok. Kabilang sa mga sintomas ay lagnat, pananakit ng kasukasuan, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, at pantal.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sinabi rin ni Vergeire na nangyayari ito sa lahat ng edad, at idinagdag na ang mga nasa hustong gulang ay maaari ring magkaroon ng sakit.

Para makaiwas sa sakit, iminungkahi ng opisyal na panatilihing maging malinis sa ating paligid.