Senador, nanawagan sa ERC na tignan na agad ang naging pag-anunsyo ng yellow alert status sa Luzon

Inamin ni Senate Committee on Energy, Vice Chairperson, Senador Win Gatchalian na tunay siyang nababahala sa kamakailang pag-anunsyo ng yellow alert status sa Luzon nitong Miyerkules dahil malamig at maulan naman ang panahon.

Ang yellow alert status ay isang paalala mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) hinggil sa kakulangan o manipis na suplay ng kuryente.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Kaugnay nito, nanawagan siya sa Energy Regulatory Commission (ERC) na agad na itong tignan upang matukoy ang problema sa likod nito.

Anya, tumatakbo na rin ang lahat ng hydropower plants kung kaya’t hindi dapat nakakaranas ng ganitong sirwasyon ngayong tag-ulan.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Samantala, nilinaw naman niyang hindi nangangahulugang tataas agad ang kuryente sa pagdeklara ng yellow alert status dahil ibig sabihin lang umano nito ay bumaba ang reserba ng kuryente.