AFP – ‘di na kailangan ng ‘loyalty check’

Iginiit ng Armed Forces of the Philippines na hindi kailangan ng loyalty check sa kanilang hanay.

Ito’y kasunod ng kumalat na “fake news” laban sa kanilang organisasyon.

Ang pinakahuli, ang umano’y pag walk out ng mga mataas na opisyal ng AFP sa kalagitnaan ng Command Conference kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kamakailan

Read More:  Taguig police officer faces administrative complaint over alleged child harassment

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, high morale ang mga sundalo at sila’y mga professional.

Read More:  Marcos cancels public events, monitors EDSA rally

Nauna nang pinasinungalingan ng AFP na may naganap na ganoong pangyayari.

Patuloy na nananawagan ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa publiko na maging maingat at suriing mabuti ang mga nababasang impormasyon at huwag maging agent ng pagpapakalat ng fake news.