Mas malalim na imbestigasyon hinggil sa pamamaril sa isang reporter sa Laguna – hinimok ng PTFoMS

Hinimok ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Task Force Usig ng Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon sa insidente ng pamamaril sa isang mamamahayag sa Laguna.

Read More:  Arroyo says she would oppose impeachment move vs Ombudsman Remulla

Ayon sa executive director ng PTFoMS na si Undersecretary Paul Gutierrez, kinuwestiyon nila ang spot report, na itinuring na ang insidente ay isang “threat and malicious mischief.”

Maalalang mahigit pitong beses pinagbabaril ang Laguna Patrol reporter na si Marc Angelo Barrios ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Read More:  Filipina files acts of lasciviousness complaint vs Russian Embassy staff

Kinwestiyon din ni Gutierrez ang pagkilala ng lokal na pulisya kay Barrios bilang miyembro ng “office staff” at hindi bilang isang mamamahayag.