Ipinunto ni Senador Robin Padilla na ayon sa Executive Order 102, layunin ng Department of Health (DOH) na makapag-innovate ng mga bagong istratehiya upang makatugon sa pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayang Pilipino.
Dagdag pa niya, responsibilidad din ng mga ito na makapagsulong at makapagpanatili ng koneksyon para sa technical collaboration.
Alinsunod nito, nanawagan siya sa DOH na pagtibayin ang kanilang international collaboration sa mga foreign counterparts ng bansa upang mapag-aralan ng maayos ang paggamit ng medical cannabis.
Anya, base sa mga datos, nasa pitumpung bansa na rin ang nag-legalized ng paggamit nito mula sa dating limampu lang noong 2019.