Sen. Go – nanawagan kay Guo, ilan pa nitong kasamahan na tigilan na ang pagtatago at humarap na sa susunod na pagdinig

Naniniwala si Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Christopher ‘Bong’ Go na isa lang sa mga hakbang ang pag-aresto kay Alice Leal Guo a.k.a. Guo Hua Ping upang matiyak ang kaligtasan sa Pilipinas.

Alinsunod nito, nanawagan siya kay Guo at sa ilan pang indibidwal na sangkot sa di umano’y iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na humarap na lang sa Senado at iwasan na ang pagtatago.

Read More:  No extension for COC filing in BARMM parliamentary elections — Comelec

Kasunod ito sa naging desisyon ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pagpapa-cite in contempt at pagsisilbi ng subpoena sa mga sangkot sa POGO na sangkot sa ilang krimen tulad ng human trafficking, online scamming at marami pang iba.

Read More:  PhilSA: Mayon ash fall affects over 1,000 hectares of farmland

Maliban pa roon, binigyang-diin din niyang marapat lang mapanagot sa batas ang mga may sala sa likod nito.

Maalala, inaprubahan na ni Senate President Chiz Escudero ang arrest order at maging mga subpoena para kay Guo at sa ilan pang indibidwal.