Senador, nagbabalang maaaring saluhin ng mga tax payers ang ang anumang pondong malulugi sa pinapanukalang MIF

Nagbabala si Sen. Sherwin Gatchalian na sasaluhin ng mga tax payers ang anumang pondong malulugi sa malalaking bangko na pag-aari ng pamahalaan sakaling malugi ang Maharlika Investment Corporation na isinusulong ng administrasyon.

Sa ilalim ng panukalang Maharlika Investment Fund, ang Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines ay magbibigay ng P75 bilyong seed money.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Ipinaliwanag ng DBP na dapat ay risk-free ang kanilang mga investments upang maisakatuparan ang kanilang mandato sa pagpapahiram ng pera.

Sinabi ni Gatchalian na nangangailangan pa rin ng pagbabago ang panukalang wealth fund. Sa ilalim ng MIF bills, kukunin ng Kongreso ang P50 bilyong capital sa sovereigh wealth fund sa LBP at P25 billion naman mula sa DBP.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Bukod pa rito ang kikitain ng Banko Sentral ng Pilipinas sa loob ng dalawang taon at iba pang kompanyang pag-aari ng gobyerno tulad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at iba pa. Ngunit hindi naman kukuha ng anumang pondo mula sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).//CA