Hindi pa rin natatagpuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang nawawalang Cessna airplane sa Isabela.
Noong January 24 pa nawawala ang 6-seater na eroplano na sa mga panahon na iyon ay inaasahang lalapag sana sa Maconacon Airport, ang domestic airport sa Isabela.
Sinabi ng CAAP sa kanilang ulat, hindi pa rin positibong natukoy ng search party ang posibleng lugar na kinabagsakan ng eroplano.

Nangako rin ang CAAP na gagawin ng search and rescue team ang lahat ng kanilang pagsisikap upang matukoy ang lokasyon ng nawawalang eroplano.
Noong January 29, sinabi ng local government unit ng Isabela na natagpuan nila ang possible wreckage ng eroplano malapit sa isang bundok sa Barangay Sapinit, Divilacan Isabela.//CA