Senador Lito Lapid na-ospital matapos magpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Senador Lito Lapid.

Ito ang kinumpirma ng kanyang chief of staff sa inilabas sa mga mamamahayag ngayong umaga.

Kasalukuyan umanong ginagamot si Lapid sa Medical City Clark na may mild to moderate na kaso ng virus ayon sa mga doktor.

Read More:  7-Eleven warns of possible legal action over intentional food tampering amid hotdog video

Lahat ng close contact ng Senador ay sumailalim na kaukulang test at sinabihan na umanong sumunod sa COVID-19 protocols.

Read More:  Palace says Marcos remains neutral in Romualdez case

Umapela naman ang staff ni Lapid sa publiko na ipagdasal ang mabilis na paggaling ng mambabatas mula sa naturang sakit pati na ang pagtatapos ng nararanasang pandemya.