Kinuwestiyon ni Senator Raffy Tulfo ang kawalan ng intelligence funds para sa Department of Information and Communications Technology (DICT) sa kanilang panukalang P11.32-billion budget para sa susunod na taon, sa kabila ng tumataas na concerns kaugnay sa cybersecurity.
Ayon kay Tulfo, maraming mga ahensya ang hindi naman talaga kailangan ng intel funds pero nabibigyan sila ng daan-daang milyon.
Pabiro namang sinabi ni Senator Grace Poe, na siyang dumedepensa sa budget ng DICT, na baka naubos na siguro sa iba.

Mababatid na may confidential at intelligence funds na nagkakahalaga ng P9.3 billion ang ibinigay sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng proposed spending plan.
Samantala, hiniling naman ni Tulfo sa DICT na berepikahin ang impormasyon na mayroong “national security data” na ibenebenta umano sa dark web. //MHEL PACIA