Inihayag ni Bureau of Corrections officer-in-charge Gregorio Catapang na walang public funds na inilaan para sa excavation sa loob ng New Bilibid Prison, kaya ito umano ay ipinanatiling sekreto ng nakaraang liderato.
Sinabi rin ni Catapang na hindi si suspended BuCor director-general Gerald Bantag ang nagpondo dito, matapos itong umamin na siya ang nag-utos sa excavation, dahil ginamit umano ang equipment ng BuCor.
Sa mga naunang panayam, inihayag ni Bantag na siya ang nag-utos sa excavation sa loob ng NBP, dahil plano umano niyang mag-construct ng malalim na swimming pool bilang siya ay isang “master scuba diver.”

Itinanggi naman nito na ang excavation ay ginawa para makabuo ng tunnel.
Samantala, ipinapaubaya naman ni Catapang sa mga imbestigador ang pagrerekomenda ng mga kaso laban kay Bantag kaugnay sa naturang isyu.
Nabanggit din ng BuCor-OIC na natukot na nila ang kontrokato ng naturang proyekto, pero kailangan pa umano nila itong iberipika. //MHEL PACIA