Senador, iginiit na PACGOR-licensed ang ilan sa mga POGO hub na ni-raid ng awtoridad

Pinatutsadahan ni Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian ang naging pahayag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na tanging mga walang lisensyang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ang nare-raid ng awtoridad.

Anya, base sa mga naunang ni-raid na POGO hub ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), makikitang pawang PAGCOR-licensed ang mga ito.

Read More:  Bantay Impeachment: avoid delaying tactics in VP Sara impeachment trial

Kung saan, kasama na rito ang Hongsheng Gaming Technology, Zun Yuan Technology at maging ang CGC Technologies sa Clark, Pampanga.

Dagdag pa niya, ang mas nakakalito pa rito ay lumalabas sa mga inspeksyon ng PAGCOR ilang araw bago ang raid na compliant ang mga kumpanya.

Read More:  Defense says VP Sara not involved in petition against Escudero

Samantala, sa kaso ng Lucky South 99 Outsourcing Inc. sa Porac, Pampanga tila ginamit umano nito ang lisensya ng Hongsheng upang maka-operate na maaring ginagawa rin ng iba pang foreign nationals para sa kanilang krimen.

Alinsunod nito, ang tahasan umanong kabiguan ng PAGCOR na i-regulate ang industriya ang nagbibigay daan sa mga POGO na makapagpatuloy sa kanilang operasyon.