MMC, nagpasa ng resolusyon kung saan lahat ng LGU sa Metro Manila ay magpapasa ng ordinansa laban sa anti-dangling wires

Nagkasundo ang Metro Manila Council na magpasa ng isang resolusyon kung saan ang bawat LGU sa Metro Manila magpapasa ng kani-kanilang ordinansa laban sa anti-dangling wires o yung tinatawag na spaghetti wires.

Ayon kay MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora, peligroso ang mga nakikita nilang sala-salabat na mga kable ng kuryente sa Metro Manila.

Dagdag pa ni Zamora, karamihan sa mga telecommunication wires ay useless at hindi na gumagana kaya pwede ng alisin.

Sa bisa ng ordinansa na ipapasa ng bawat LGUs, magkakaroon ng koordinasyon ang bawat lokal na pamahalaan, Meralco, at Telcos upang i-trace kung alin sa mga wires ang hindi na kailangan.

Isa kase sa iniingatan ng MMC ay ang pagkakaroon ng sunog at aksidente.

Sinabi naman ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, dapat ng gumawa ng mga hakbang dahil ilang poste na rin sa Metro Manila ang bumagsak dahil sa sala-salabat na mga wire.

Kailangan na umano itong aksyunan para hindi na mauwi sa pagkawala ng buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *