Paggamit ng tubig sa Wattah Wattah Festival, lilimitahan ng San Juan LGU

Bilang paghahanda sa nalalapit na Wattah Wattah Festival sa June 24, at para matiyak ang responsableng paggamit ng tubig, naglabas ng mga bagong panuntunan ang Pamahalaang Lungsod ng San Juan.

Ayon sa San Juan LGU, kabilang sa mga bagong panuntunan ay ang paglimita sa bilang ng mga fire truck na lalahok sa parada ng Basaan.

Papayagan na lamang ang tradisyunal na Basaan simula alas-7:00 ng umaga haggang alas-12:00 ng tanghali.

Layon ng mga panuntunang ito na tugunan ang kasalukuyang sitwasyon ng tubig sa bansa, lalo na’t hindi pa rin nakakabalik sa normal level ang antas ng tubig sa mga dam.