Senador, humiling ng isang congressional inquiry sa status ng pagpapatupad ng Anti-Bullying Act

Humihiling ng isang congressional inquiry ang isang senador sa status ng pagpapatupad ng Republic Act 10627 o Anti-Bullying Act dahil sa nakakaalarmang kaso ng pambu-bully sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, kailangan ang komprehensibong pagsusuri at gap review sa batas upang matiyak na ang lahat ng paaralan ay nagpapatupad ng mga pamamaraan upang masugpo ang kaso ng bullying lalo na’t nakakaapekto umano ito sa pag-aaral at mental health ng mga estudyante.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Sa isang ulat mula sa National Center for Education Statistics noong 2019 , ipinakita nito na isa sa bawat limang mag-aaral ang binu-bully.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Binanggit din ni Gatchalian ang natuklasan sa Program for International Student Assessment noong 2018 na nagpakita na sa 79 na kalahok na bansa, ang mga Filipino learners na nasa edad na 15 -anyos ang pinaka-expose sa bullying.//CA