Nakikita ni Senate President Juan Miguel Zubiri na magagawang i-ratify ng Senado ang Regional Comprehensive Economic Partnerships o RCEP free trade agreement sa loob ng unang quarter ng taon.
Sa isang ambush interview, sinabi ni Zubiri na prayoridad ng senado ang ratipikasyon ng RCEP at sa katunayan ay magkakaroon na ng pagdinig patungkol rito na itinakda sa February 7.
Posibleng magkaroon pa ng hearing para sa mga oppositors at umaasang makakakuha ng 16 na boto sa kanyang mga kasamahan para pagtibayin ito.

Matatandaang mahigit 100 grupo ng mga magsasaka ang tutol sa pagsasama ng bansa sa RCEP at humiling sa mga senador na huwag itong pagtibayin.
Pinawi naman ni Zubiri ang pangamba ng mga magsasaka at sinabing ang kasunduan ay may probisyon na nagpoprotekta sa mga ito.//CA