Senador – hindi raw gagawing hadlang ang pamilya para tutulan ang PI

Nilinaw ni Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, Chairperson, Senator Imee Marcos na kahit kamag-anak man niya o hindi ang nagtutulak ng ‘pekeng initiative’ ay tutulan niya ito.

Ito ay bilang siya raw ay isang senador, kapatid ng Pangulo at anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr..

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Kaugnay nito, responsibilidad umano niya na protektahan at depensahan ang konstitusyon at republika.

Dagdag pa niya, hindi niya hahayaang gamitin ng sinuman ang Marcos administration para sirain ang pangalan at legacy na iniwan ng kanyang ama.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Maalala, mamayang alas dos ng hapon ay isasagawa na ang pagpapatuloy ng pagdinig sa Davao tungkol sa people’s initiative (PI).