Halos dalawang minuto tumagal ang sigaw ng isang college student sa Binganonan, Rizal matapos siyang sinaksak ng sampung beses sa loob mismo ng kanyang bahay.
Bukod dito, pinalo pa siya sa ulo at tangkang halayin ang babae.
Batay sa ulat ng Rizal PNP, pagnanakaw ang motibo sa pamamaslang dahil nawawala ang wallet at cellphone ng 18-anyos na babae.
Arestado ang dalawang trabahador sa pinare-renovate na bahay ng pamilya ng biktima.
Nahaharap ang mga ito sa kasong robbery at homicide; habang pinaghahanap naman ang dalawa pang nakatakas na salarin.