Naglaan ang Department of Environment and Natural Resources o DENR ng 600 million pesos para sa proteksyon ng biodiversity at wildlife sa bansa.
Sinabi ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, kabilang sa tututukan nila ngayong taon ang pangangalaga sa ating biodiversity.
Nasa 500 million pesos ang inilaan para sa enhancement ng marine research station at 100 million pesos naman sa pag protekta sa mga threatened species, tulad ng Philippine Eagle, Tamaraw, Dugong, ang Philippine at Palawan cockatoo gayundin ang marine turtles na endemic sa Pilipinas.
Maliban naman sa pondo ng bansa, sinabi pa ni Yulo na meron ring foreign funding na pumapasok sa DENR para sa mga biodiversity-related program.
Samantala, nakikipag tulungan din ang DENR sa Department of Tourism para mapreserba ang tinaguriang 5 travel gems ng Pilipinas.
Kabilang dito ang Panglao, Siargao, El Nido, Coron; gayundin ang Boracay at Puerto Galera.