Senador gustong ipa-ban ang mga Korean telenovelas sa bansa

Kinokonsidera umano ni Senador Jinggoy Estrada ang pagba-ban sa mga Korean telenovelas o mas kilala bilang KDramas sa bansa.

Sa pagdinig ng Senado sa budget ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), idiniin ni Estrada ang pangangailangan para sa pagpo-promote ng mga pelikula’t mga palabas na gawang Pinoy.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Aniya, sa patuloy na pagpapalabas ng mga Korean shows sa bansa ay lalo lang daw nahuhumaling ang mga Pilipino sa mga Koreano.

Dahil daw dito ay higit na naaapektuhan ang lokal na industriya ng entertainment.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Sa kaparehong hearing, iminungkahi ni Senador Robinhood Padilla ang pagdaragdag ng buwis sa mga ipinalalabas na foreign series sa bansa.

Ayon kay Padilla, ang makokolektang dagdag buwis ay maaaring gawing subsidiya sa mga local film workers.