Senador Go, pinaiimbestiga pa lalo ang isyu sa ayuda scam sa Davao Del Norte

Ikinabahala ni Senador Christopher “Bong” Go ang nadiskubre nilang pagkaltas sa mga ibinigay na ayuda sa Davao Del Norte at Davao De Oro.

Ito ay matapos isiwalat ng ilang testigo sa naganap na pagdinig na mula P5,000 na ayuda ay P1,000 na lang ang kanilang naiuwi.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Kaugnay nito, ayon kay Go marapat lang na maimbestigahan pa ito lalo nang sa gayon ay mapanagot agad ang mga may sala sa likod nito.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Maalala, base sa sulat na ibinigay ni Davao del Norte Governor Edwin Jubahib, 60 sa mga biktima ay galing sa Davao Del Norte.

Samantala, 7 naman ang naitala na mula sa Davao De Oro.