Senador: dalhin sa UN ang panawagan sa China na tigilan ang pambu-bully sa WPS

Naghain ng resolusyon si Sen. Risa Hontiveros na humihimok sa gobyerno  na dalhin na sa United Nations General Assembly ang pambu-bully ng China sa mga barko ng Pilipinas at mga mangingisda  sa West Philippine Sea.

Sa Resolution No. 659 ni Hontiveros, hinihikayat niya ang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs na mag-sponsor sa UN General assembly ng resolusyong mananawagan sa China na tigilan na ang harrasment sa mga barko ng bansa.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Nakasaad sa resolusyon ang patuloy na pagtanggi ng China na kilalanin ang ruling ng Permanent Court of Arbitration na bumasura sa pag-aangkin ng China sa WPS at pagtataboy sa mga barko ng bansa sa paghahatid ng supplies sa military outpost sa KIG at Ayungin Shoal.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ang resolusyon ni Hontiveros ay kasUnod ng mungkahi ni dating Supreme Court Chief Justice Antonio Carpio na dalhin na ng Pilipinas sa UN ang  panawagan sa China.//CA