DOJ: 2M pabuya kay Bantag,1M kay Zulueta re: Percy Lapid slay case

May ipalalabas nang pabuya ang Department of Justice at National Bureau of Investigation sa makapagtuturo sa pinagtataguan nina dating BuCor Director General Gerald Bantag at dating Supt. Reynaldo Zulueta na isinasangkot sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, na 2 milyong piso ang kapalit sa anumang impormasyon na ikaaaresto ni Bantag at 1 milyong pisong pabuya naman para kay Zulueta.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Matagal na aniyang pinaghahanap  si Bantag at Zulueta at kailangan na nilang managot sa batas.

Naglabas na rin ang DOJ ng wanted poster laban sa dalawa.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Maaalalang nagpalabas ng warrant of arrest ang Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 206 at Las Piñas Regional Trial Court Branch 254 laban kay Bantag at Zulueta sa kasong murder dahil sa pagkamatay ni Lapid at umano’y middleman na si Jun Villamor.//CA