Senador Bato, dapat na mag-indefinite leave

Umapela si Representative Perci Cendaña kina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Senador Christopher “Bong” Go na maghain muna ng indefinite leave habang iniimbestigahan ng Senado ang war on drugs ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Cendaña, malinaw na may conflict of interest dahil sa umano’y malaking papel ng dalawang senador sa anti-drug campaign kasama na ang sinasabing reward system sa mga pulis na nakakapatay ng drug suspect.

Read More:  VP Sara: government should prioritize needs of ordinary Filipinos amid political noise

Makakaapekto aniya sa kredibilidad ng pagsisiyasat ang kanilang partisipasyon.

Paliwanag ng kongresista, maihahambing ito sa nagbabantay na asong-gubat sa mga tupa o bayawak sa mga manok kaya hindi dapat sila payagang humusga sa gagawing imbestigasyon.

Dagdag pa nito, walang magiging problema kung magsisilbing resource persons sina Go at Dela Rosa sa Senado upang matiyak na independent ang imbestigasyon.

Read More:  No extension for COC filing in BARMM parliamentary elections — Comelec

Hindi naman umano mga tambay o “bystanders” sa madugong war on drugs ang dalawang mambabatas kaya marapat na hindi magkaroon ng pag-whitewash o cover-up.

Naniniwala si Cendaña na ang imbestigasyon ay isang hakbang upang itama ang umano’y maling nagawa ng nagdaang administrasyon.