Nakikipagtulungan na rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) para sa paghahanap sa dinukot na Amerikanong vlogger sa Zamboanga del Norte.
Sumaklolo ang mga ito sa pamamagitan nang pagsasagawa ng coastal patrol sa lugar kung saan umano dinala si Elliot Eastman na binaril umano ng 4 na salarin sa binti.
Read More: Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan
Kaugnay nito tiniyak ni AFP Spokesperson Col. Francel Padilla na handa sila sa tracking at pursuit operation.
Sa kasalukuyan, may dalawa ng persons of interest ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagkawala ng dayuhan.