Senado – walang napala sa executive session kay Guo

Inamin ni Senadora Risa Hontiveros na tila hindi pa rin ganun ka-worth it ang mga nakuha nilang detalye sa nakaarang executive session kay Alice Guo bagamat tumagal ito ng halos isang oras.

Anya, halos kaparehong detalye lang kase sa dati ang nakuha nila at kung may kapiraso mang bago ay sinusubukan pa nila itong i-follow up sa open hearing.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Kasunod nito, wala na umanong nakikitang posibilidad ang senadora na magkakaroon pa ng isang executive session kay Guo.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Matatandaan, bago magsimula ang nakaraang POGO hearing ay minabuti ng mga senador na unahin ang executive session upang matiyak na hindi magbabago ng isip si Guo sa pagsasailalim dito.