Hindi katanggap-tanggap ayon kay Senate Committee on Accounts, Chairperson, Senador Alan Cayetano ang nilalaman ng isinumiteng bagong timeline at halaga ng proyekto ng Department of Public Works and Highways.
Ayon kay Cayetano, base sa bagong timeline, aabot pa ng tatlo hanggang apat na taon bago tuluyang matapos ang bagong Senate Building sa Taguig City.
Maliban pa roon, mula sa dating estimate na P25 hanggang P27 bilyon na construction cost ay makikitang pumalo pa ito sa P33 bilyon.
Pagpapaliwanag pa niya, ang nabanggit na timeline ay para lang din sa phase 3 ng gusali at hindi pa kasama rito ang interior fit-out works o ang mga pag-iinstall ng mga pader, partisyon at maging ang pagsasaayos sa plumbing.
Kasunod nito, muling sumulat ang senador sa DPWH para rebyuhin ito lalo na’t hindi rin umano tanggap ni Senate President Chiz Escudero na gumastos ang gobyerno ng ganitong kalaking halaga.