Naniniwala si Senate President Migz Zubiri na importanteng matukoy muna ang kabuuang teksto, epekto, implikasyon at tunay na intensyon ng pagbabago o pag-amyenda sa isang Konstitusyon.
Kaugnay nito, ibinahagi ni Zubiri na nagkaroon sila ng pagkakataon ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda na makausap sina Pangulong Bongbong Marcos at House Speaker Martin Romualdez sa Malacañang noong January 11.
Ito ay upang mapag-usapan ang isyu tungkol sa pag-amyenda sa Konstitusyon.
Ayon kay Zubiri, sinang-ayunan sila ng Pangulo na may pagka-“divisive” ang proposal dito, kaya’t hiningan sila nito sa Senado na pangunahan na ang pag-aaral sa economic provision ng Konstitusyon.
Kaugnay nito, ipinangako ng senador na titiyakin nilang magiging maingat at matiyaga sila sa pag-aaral nito.
Samantala, naniniwala naman si Senadora Risa Hontiveros na hindi tamang tawagin na “People’s Initiative” ang isang panukala kung hindi naman ito pakana ng mga tao.