Senado – target na ipasa ang 2025 Proposed Budget sa darating na Disyembre

On-track na ayon kay Senate President Chiz Escudero ang kanilang pagpasa sa 2025 Proposed National Budget.

Kasunod ito ng nalalapit na pagta-transmit ng House of Representatives sa kanilang General Appropriations Bill sa October 25.

Read More:  VP Duterte says officials should stop politics and prioritize peace, order, and development

Inaasahan naman ng senador na makapaghahain na ng committee report ang Finance Committee sa kanilang pagbabalik mula sa recess sa November 4.

Read More:  Batanes congressman rejects Chinese academics’ claim over Batanes

Samantala, target umano nila sa Senado na maaprubahan ang pambansang pondo sa una o ikalawang lingo ng Disyembre.

Maalala, inaprubahan na kamakailan ng Kamara ang P6.352 trilyon na national budget para sa susunod na taon.