Gobyerno, tinitingnan ang extension ng Malampaya gas field operation na magtatapos ang life cycle sa 2027

Tinitingnan ngayon ng gobyerno ang extension ng operasyon ng Malampaya gas field dahil magtatapos na ang life cycle nito sa taong 2027.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri , inaasahan niyang maipapasa ng Kongreso ang batas sa enabling act para sa natural gas downstream energy program sa pagtatapos ng 2023 dahil ito naman umano ay noncontroversial measure.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Sinabi ng mambabatas na titiyakin nito ang pag-unlad ng mas maraming natural gas sources sa paligid ng Sulu Sea, West Philippine Sea, Recto Bank at silangang bahagi ng bansa.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Binigyang-diin din niya ang pangangailangang ipatupad ang geohazard mapping law sa bansa sa gitna ng banta ng climate change.//CA