Senado, on-track sa mabilis na pag-apruba sa 2023 National Budget

‘On-track’ umano ang Senado para sa mabilis na pag-apruba sa P5.268 trillion na panukalang budget para sa susunod na taon.

Sa isang press briefing, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na target ng Senate finance panel na matapos at makumpleto ang lahat ng committee hearings ukol sa panukalang budget ng iba’t-ibang ahensya sa susunod na linggo.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Susundan aniya ito ng plenary debates na nakatakda naman sa susunod na buwan.

Inaasahan namang sa ikatlo o ikaapat na linggo ng Nobyembre, maaprubahamn na sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang 2023 budget at susundan naman ito ng bicam approval sa una o sa ikalawang linggo ng Disyembre.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Sa ngayon, ipinunto ni Zubiri na wala siyang nakikitang hadlang para maipasa panukalang budget sa 2023.
#