NTF-ELCAC budget, amoy ‘pork barrel’?

Nakwestiyon ng mga senador ang ilang mga proyekto ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na ipinatupad noong nakaraang taon.

Sa Senate hearing ng Committee on Finance tinanong nina Sen. Sonny Angara at Sen. Nancy Binay ang mga opisyal ng Department of Budget and Management kaugnay sa hinihinging P10-billion para sa NTF ELCAC.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Tinanong din ni Binay kung nagkaroon na ba ng review ang DBM sa mga proyektong isinagawa ng Task Force.

Sinagot naman ni DBM Sec. Amenah Pangandaman na hangang ngayon wala pa silang listahan sa completion ng NTF-ELCAC.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Ayon naman kay Angara dapat maipakita ng NTF-ELCAC ang mga nakumpletong proyekto nito upang ma-justify nito ang hinihinging P10-billion para sa susunod na taon.

Dahil dito hiniling ni Senadora Binay na isumite sa kanila ang mga identified recipients ng mga proyekto ng NTF-ELCAC sa 2023.
#