Unang-unang isasalang sa darating na Lunes ang Department of Budget and Management (DBM) at maging ang mga kaugnay nitong ahensya sa gagawing budget briefing ng 2025 Proposed National Budget.
Base ito sa kopya ng pansamantalang iskedyul na inisyu ng Senado sa media.
Sa nasabing iskedyul, makikitang sa August 20 naman dadaan sa budget briefing ang Office of the Vice President (OVP) at susundan ito ng Department of Finance (DOF) at Department of Justice (DOJ) sa August 27 at 28.
Samantala, pagpasok naman ng September 2 pag-uusapan ang pondo para sa Office of the President, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at National Security Council.
Bilang isa sa mga top priorities ng gobyerno sa 2025 ang public works ay sa September 9 naman isasailalim ang Department of Public Works and Highways (DPWH).
Matatandaan, nasa P6.352 trilyon ang proposed national budget para sa taong 2025.