Nilagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos bilang batas ang RA 12018 na nagtatatag ng tatlong karagdagang Shari’a judicial district at 12 circuit courts sa buong bansa.
Inaamyendahan ng batas ang Articles 138, 147, at 150 ng Presidential Decree No. 1083.
Bago nito, nasa lima lang ang Shari’a court sa bansa na naitatag sa ilalim ng PD 1083.
Kabilang dito ang unang Shari’a court sa Sulu, pnagalawa sa Tawi-Tawi, pangatlong Shari’a court na sumasakop sa Basilan, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at Dipolog, gayundin sa Pagadian at Zamboanga Cities.
Pang apat sa distrito ng Lanao del Norte, Lanao del Sur, Iligan at Marawi Cities habang pang lima ang sumasakop sa Maguindanao, North Cotabato, Sultan Kudarat at Cotabato City.
Kabilang naman sa dagdag na tatlong shari’a district ay sa Bukidnon, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin, Cagayan de Oro City at mga probinsya ng Regions 11 at 13; pang pito ay sakop ang probinsya sa region 6, 7, at 8; at pang walong district naman ang sasakop sa Metro Manila, mga probinsya sa Cordillera Administrative Region, Regions I, II, III, IV-A, V and MIMAROPA.
Dahil dito magiging 63 na rin ang circuit courts mula sa dating 51.