Ipinagutos na ni Senate President Migz Zubiri na isailalim sa total lockdown ang Senate Building sa Pasay City.
Ito ay makaraang mag-positibo sa COVID-19 ang pitong mga Senador sa loob lamang ng isang buwan.
Ayon kay Zubiri, ang mga Senate employees ay papayagan na munang mag-work-from-home simula Lunes habang magre-resume naman ang sesyon sa Martes.
Inatasan ni Zubiri Secretariat na mag-sagawa ng masusing cleaning at disinfection sa lahat ng mga opisina sa Senado.
Matatandaang ang mga pinaka-latest na na-infect ng nakahahawang virus ay sina Senador JV Ejercito at Senadora Nancy Binay.
Kahapon ay una nang nag-positive si Senador Joel Villanueva; habang kamakalawa naman nakumpirma ang infection ni Senadora Grace Poe.
Maliban sa apat na Senador, nakaraang mga linggo nang mag-positive din sina Senadora Cynthia Villar; Senadora Imee Marcos; at Senador Alan Peter Cayetano.
#