Korte, pinayaganang pagbisita ng US delegation sa detention facility ni de Lima

Pinayagan na ng Korte na makabisita si US Senator Edward Markey at ang delegasyon nito sa detention facility ni Senadora Leila de Lima sa Kampo Krame ngayong tanghali.

Matatandaan kasing pinabawalan ng Philippine Naitonal Police ang US delegation na makapunta kay de Lima hanggat wala pang inilalabas na order ang Korte.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Sa ilalim ng order mula sa Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 at 256, inaprubahan na ang mosyon para rito.

Kamakalawa nang gunitain ni de Lima ang ika-2000 araw nito sa loob ng detention.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Nahaharap ito sa mga drug charges dahil da ‘di umano’y koneksyon nito sa kalakaran ng iligal na droga.

Sa kabila nito, sunud-sunod na nag-recant ng mga testimonya ang ilang mga convicted drug lords hinggil sa pagdidin kay de Lima.
#