Department of Education, all-systems go na sa balik-eskwela simula sa Lunes

Tiniyak ng Department of Education na handa na ang kanilang Kagawaran pati na rin ang mga paaralans a bansa para sa pagbubukas ng klase sa araw ng Lunes.

Sa pulong balitaan, sinabi ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa na aabot na sa 27 million learners ang naka-enroll ngayong araw.

96% na ito mula sa target enrolles na 28.6million.

Inaasahan naman ng DepEd na madaragdagan pa ito hanggang sa huling araw ng enrollment sa Lunes.

Sa ngayon, aabot umano sa 24,175 na mga paaralan sa bansa ang mag-iimplement ng 5 days na in-person classes.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Mayroon namang 29,721 na mga paaralang magpapatupad ng blended learning.

Smanatala, tanging 1.29% lang ng mga paaralan o katumbas ng 1,004 schools ang magpapatupad ng full-distance learning.

Kaligtasan at kalusugan ng mga learners sa gitna ng pandemya, tiniyak

Tiniyak ng Department of Education na ligtas ang mga learners at mga guro sa pagbubukas ng klase.

Ito ay sa gitna pa rin ng nagpapatuloy na pandemya dulot ng COVID-19.

Ayon kay Poa, nakahanda ang kanilang mga safety measures para masigurong masusunod pa rin ang minimum health protocols sa mga paaralan.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Bibigyan din ng tig-P5,000 na allowance ang mga guro para sa kanilang mga pangangailangan sa mga klase.

Ire-require naman ang mga paaralan na magkaroon ng stock ng mga face masks para ipamahagi sa mga mangangailangang learners o iba pang mga tao sa eskwela.

Samantala, iniulat din ni Poa na ayon sa Health Department, tanging 19% pa lamang ng mga learners ang bakunado.

Matatandaang unang sinabi ng DoH na aabot sa 3,131 ang mga vaccination sites na ipatatayo nila sa mga paaralan.

Ayon kay Poa, magkakaroon muna ng counselling sa mga magulang ng mga learners para malaman kung sino sa kanila ang nais magpabakuna.
#