NTC, patuloy na nakikipagtulungan sa Starlink sa agarang paglulunsad ng broadband internet services

Patuloy na nakikipagtulungan ang National Telecommunications Commission sa Starlink Internet Services Philippines Inc. para sa agarang paglulunsad ng commercial services nito.

Matatandaang ang Starlink ng Elon Musk’s SpaceX ay nag-aalok ng broadband internet services gamit ang low-earth orbit satellite technology.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Sa isang pahayag, sinabi ng NTC na deemed approved na ng ahensiya ang kahilingan ng Starlink na ang mga Starlink User Terminals nito ay mai-classify bilang customer premise equipment batay sa mga umiiral na batas at hindi na sumailalim sa radio station licensing.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ngunit sinabi ng NTC na ang pag-apruba nito ay mangangailangan sa Starlink na sumunod sa paghahain ng aplikasyon para sa modification ng type acceptance certificates sa Equipment Standards Division ng NTC.//CA