Senado at Kamara, handang handa na para sa bilangan ng boto sa presidential and vice presidential race sa Lunes

Tuloy na tuloy pa rin ang isasagawang bilangan ng Senado at Kamara para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo sa susunod na linggo.

Ito ay sa kabila ng inihaing petisyon sa Korte Suprema para ipatigil ang canvassing at proklamasyon ni Bongbong Marcos.

Ayon sa Kongreso, hanggat wala pang pormal na order mula sa Kataas-taasang Hukuman para ipahinto ang canvassing, ay hindi nila ito ititigil dahil bahagi ‘yan ng kanilang mandato sa Konstitusyon.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Samantala, muling nagpulong ang mga contingent ng Senado at Kamara para isapinal ang mga isinasagawang paghahanda sa bilangan ng mga boto.

Dito tinalakay ang nakatakdang paghahatid ng mga certificates of canvass at election returns mula sa Senado papunta sa Session Hall ng Kamara.

Sa araw ng Lunes, nakatakda nang mag-convene ang Upper at Lower chamber of Congress para magsilbing National Board of Canvassers sa presidential at vice-presidential race.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Itatalaga rin sa araw na ito kung sinong mga mambabatas ang magsisilbing opisyal na bahagi ng NBOC.

Mag-uumpisa ang mismong bilangan ng boto sa Martes, May 24, alas-dos ng hapon.

Inaasahang tatagal ang canvassing ng NBOC hanggang sa May 27, alas-diyes ng gabi.
#