Proklamasyon ng 12 panalong senador, kasado na ngayong hapon

Kasadong kasado na ang isasagawang proklamasyon ng National Board of Canvassers para sa mga mananalong senador.

Ngayong hapon, inaasahang idaraos ang pormal na deklarasyon sa 12 winning senators sa PICC forum.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, bagamat mayroon pang idaraos na special elections sa Lanao del Sur, hindi na ito makaaapekto sa rankings ng mga overall results sa senatoria race.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Samantala, hindi pa naman nagkukumpirma ang mga imbitadong highest officials ng tatlong sangay ng gobyerno sa attendance nito mamayang hapon.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Mababatid na inimbitahan ang tanggapan nina Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Leni Robredo, Senate President Tito Sotto, House Speaker Lord Allan Velasco, at Chief Justice Alexander Gesmundo.

Una nang tiniyak ng poll body ang mahigpit na seguridad sa palibot ng PICC habang inaasahan naman augmentation ng PSG sakali mang dumating ang Pangulo.
#