Senado, aprubado na sa 2nd reading ang PH citizenship ni Brownlee

Inaprubahan ng Senado sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na naglalayong bigyan ng Filipino citizenship ang American basketball player na si Justin Donta Brownlee.

Hinimok ni Bill sponsor Senator Francis Tolentino ang mga senador na pabilisin ang naturalization ng import ng Ginebra San Miguel dahil sa deadline ng pagsusumite ng mga manlalarong nagbabalak na kumatawan sa kanilang mga bansa sa FIBA ​​Basketball World Cup Qualifiers.

Read More:  Fuel Masters outlast Bolts to close in on quarterfinal berth

Inaasahang mapapalakas ni Brownlee sa Gilas Pilipinas basketball team sa international tournament na itinakda sa Pebrero 2023.

Read More:  Chicago Bulls overpower Milwaukee Bucks, cruise to 125-104 win

Si Brownlee, na naglalaro sa PBA mula noong 2016 ay may career average na 28.9 points sa bawat laro.

Siya rin ang kauna-unahang import ng PBA na nakapagtala ng mahigit 400 three-point field goals na ginawa at nangunguna sa mga import ng PBA para sa three-point field goals noong July 24, 2022.//CA