Mga reservists na nakatuwang sa disaster response, binigyang pagkilala ng Philippine Army

Binigyan ng pasasalamat at pagkilala ng Philippine Army ang kanilang mga reservists na nakatuwang nila sa ‘nation building’ at pagresponde sa mga sakuna sa bansa.

Sa talumpati ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Romeo Brawner, pinasalamatan niya ang mga reservists na patuloy na nagse-serbisyo para sa bansa at sa mga kapwa nila Pilipino.

Aniya, kinikilala nila ang dedikasyon ng mga ito, at ang pagsusugal ng sarili nilang buhay para lamang sa kaligtasan ng iba.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Kabilang sa mga nagawaran ng Bronze Cross Awards ay ilang mga government officials, politicians, at celebrities.

Kasama na rito sina Deputy House Speaker Isidro Ungab; habang na-commission din sa reserve force ng Army sina Tourism Secretary Christina Frasco, House Deputy Speaker Vincent Franco Frasco, Lanao del Sur Rep. Ziaur-Rahman Alonto Adiong, singer-actress na si Jessa Zaragoza-Avanzado, Dingdong Avanzado, actor-singer Brent Valdez, at iba pang celebrities na sina Aya Fernandez, Jean Cristopher Santos, at Ivan Carapiet.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Dumalo rin ang iba pang mga Senador na reservists kasama sina Senator and Brig. Gen. Francis Tolentino (Res.), na siya ring tumatayong Commander ng 1501st Ready Reserve Brigade, tt Senator and Lt. Col. Sherwin Gatchalian (Res.).
#