Moscow, inakusahan ang Ukraine sa drone attacks sa Russia

Inakusahan ng Moscow ang Ukraine ng drone attcks sa Russia.

Ang Russia ay naglunsad ng  bagong barrage  missiles patungo sa Ukraine  habang inaakusahan nito ang Kyiv ng pag-atake sa mga military airfields sa loob ng teritoryo nito.

Dose-dosenang missiles ang inilunsad ng puwersa ng Russia patungo sa Ukraine na nag resulta sa pagputol ng supply ng tubig at kuryente at tinamaan ang ilang gusali sa Zaporizhzhia region.

Sinabi ng Ukrainian Air Force na higit sa 60 Russian missiles ang kanilang na-intercept.Target umano ng Ukraine ang kanilang mga Tupolev-95 long range bombers na siyang ginagamit nila sa pag-atake.

Dahil sa pag-atake, tatlo katao ang naitalang nasawi.//CA