Sinagot ni Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian ang reklamo ni Atty. Stephen David, abugado ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na mayroon silang ginawang paglabag sa paglalabas ng bank account details ni Guo.
Ayon kay Gatchalian, dahil may freeze order na mula sa Court of Appeals (CA) at hawak na nito ang mga bank records ay malinaw na makikitang public records na ito at pupwedeng i-disclose sa publiko.
Kasunod nito, wala umanong nakikitang paglabag ang senador sa parte nila sa Senado at maging sa ginawa ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Kwento niya, una pa lang ay nakitaan na nila ito ng posibleng money laundering ngunit dahil wala pang ruling noon ang CA ay hindi muna nila ito pinakialaman sa kanilang mga naunang pagdinig.
Maalala, ayon sa inilabas na bank report, mayroon umanong tatlumpu’t anim na bank account si Guo kung saan halos umano ng laman nito ay nanggaling sa China.