Seguridad sa maritime territory ng bansa, mas pinalalakas

Mas pinalalakas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isinasagwang seguridad sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang tiniyak ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar sa panayam ng Brigada NewsFM kasabay ng paggunita ng ika-pitong anibersaryo ng arbitral ruling ngayong araw.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Ayon kay Col. Aguilar, nagdagdag sila ng air at naval assets sa WPS katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) para triplehin ang presensya sa territorial waters ng bansa na sinasabing 90% na mas mataas sa kompara noong 2023.

Kinilala rin ni Aguilar ang pagsuporta ng iba’t ibang mga bansa sa international ruling, at ang apela nila sa China na sumunod sa mga maritime laws.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Kung maalala, July 12, 2016 ng ideklara ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na wala ng lawful claim ang China sa sinasabi nitong South China Sea o ang WPS na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.