Sen. Robin, nag-sorry sa “suklayin mo baby” ng kanyang bigote

Nag-sorry at nagpaliwanag si Senator Robin Padilla sa nag-viral na video kung saan nakita ang kanyang pagsusuklay ng bigote habang nasa hearing ng Senado.  

“Tayo po ay humihingi ng despensya sa mga taong nasaktan sa pagiging suklayin mo baby”

Read More:  Sara Duterte leads 2028 presidential preference survey with 50%

Ayon sa senador, hindi maiiwasang suklayin niya ang kanyang bigote dahil sadya itong makati.

Ngunit, wala umano siyang intensyon na ipahiya si Senator Raffy Tulfo na nakita sa live ng Senate hearing na nagsasalita habang siya ay nagsusuklay ng bigote sa gilid gamit ang kanyang maliit na suklay.

Read More:  DMW: No deployment ban for OFWs bound for Saudi Arabia despite attacks

Paglilinaw nito, nagpapatubo siya ng bigote bilang paghahanda sa nakabinbin niyang pelikula na tampok ang buhay ng bayaning si Marcelo Del Pilar.