Sen. Risa: POGO – dapat ituring na national security threat

Ipinunto ni Senadora Risa Hontiveros na maaring mas mapabilis ang pag-ban o pagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa kung manggagaling ang utos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Alinsunod nito, ipinaaakyat ng senadora sa tulong ng National Security Council (NSC) ang usapin sa POGO bilang national security sa Pangulo.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Ito ay alinsunod na rin sa naunang balita na may na-trace na hacking at surveillance activities sa ni-raid na POGO hub sa Bamban, Tarlac.

Ngunit sa kabila nito, inalmahan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang panawagan ni Hontiveros na itaas ito bilang national security dahil hindi na umano dapat umabot pa sa ganitong sitwasyon dahil mas pinakukumplikado lang nito ang usapin sa POGO.

Read More:  Online gaming firm endorsed by Ivana Alawi fined P1 million by PAGCOR

Dagdag pa niya, mas mainam kung iba-ban na lang ito dahil sa polisiya na mayroon ang bansa.